I Love You Since 1892 Lines and Review by Binibining Gail

     Hey guys! I am Binibining Gail and this website is all about the story "I Love You Since 1892" written by Binibining Mia. Meet Carmela Isabella ang spoiled maldita na nabitter sa pag-ibig pero lahat ng iyon ay magbabago nang bigla siyang napunta sa unang panahon, in the year of 1892. Oo tama kayo, panahon pa nila Jose Rizal. Natuklasan ni Carmela na may dalagang nabuhay noong 1892 na sobrang kamukha niya at ito ay si Carmelita Montecarlos ang bunsong kapatid ng kaniyang lola sa talampakan. Para makabalik siya sa 2016 kailangan niyang baguhin ang mapait na kapalaran na sinapit ni Carmelita dahil sa pag-iibigan nila ni Juanito Alfonso.

Pero paano na lang kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay ma-inlove siya sa lalaking nasa ibang panahon? Ang spoiled brat ng 2016 na si Carmela ay nainlove sa gwapong gentleman ng 1892 na si Juanito, posible kaya to? Samahan niyo na ang makulit at sobrang epic na adventure ni Carmela sa panahon pa ng Espanyol... muli nating balikan ang love story of 1892.

Napakaganda ng storya na ito kase hindi lang siya tungkol sa pag-ibig kundi sa ating kasaysayan na unti-unti nang nakakalimutan ng nakararaming tao. Malalaman mo dito kung gaano kaganda ang sinaunang panahon at kasaysayan noon. Ilan sa mga ito ang kanilang paglalakbay noon gamit ang mga kalesa, paraan ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga liham, paghaharana sa mga kababaihan bilang panliligaw, disenyo ng mga bahay at uri ng kasuotan tulad ng barong tagalog o camisa de chino para sa mga kalalakihan at filipiniana o baro't saya naman sa mga kababaihan, at marami pang iba.
Halika na at samahan niyo akong kiligin sa mga nakakapang-akit na mga linya ni Ginoong Juanito at matunghayan ang pag-iibigan ng isang spoiled maldita na si Binibining Carmella Isabella at ang gwapong gentleman ng 1892 na si Ginoong Juanito Alfonso.








  

Comments

Popular posts from this blog